Guro Ako - Teacher Talks



Aralin 2: Mga Produktong may CaffeineBilang ng Araw : 1Batayang Kasanayan: Natutukoy ang mga produktong may caffeine.Kaalaman para sa GuroAng caffeine ay isang uri ng gamot na natural na matatagpuan sa mga dahon at buto ng maraming uri ng halaman. Maaari rin itong gawin sa artipisyal na pamamaraan at ilahok sa mga pagkain. Ang caffeine ay itinuturing na gamut o drugs dahil sa nagpapagising ito sa ating central nervous system na nagiging sanhi ng pagiging aktibo ng isang indibidwal.Ang caffeine ay matagpuan sa maraming inumin tulad ng kape, tsokolate, at maraming soft drinks, gayundin sa mga pain relievers at mga gamot na mabibili ng walang reseta. Mapait ang lasa ng caffeine kung kaya’t dumadaan sa mahabang proseso ang mga inuming may caffeine upang mawala ang pait ng lasa nito. Ang caffeine ay hindi naiiwan sa katawan ngunit mararamdaman ng isang tao ang epekto nito sa loob ng anim na oras. Ang caffeine ay itinuturing na diuretic, nagiging sanhi ito ng pag- ihi ng madalas ng mga taong kumokunsumo nito. Ang mga sumusunod na pagkain, inumin at gamot ay may caffeine.Inumin/ Pagkain/ GamotDami ng Inumin/ PagkainDami ng CaffeineSoBe No Fear8 ounces83 mgMonster energy drink16 ounces160 mgRockstar energy drink8 ounces80 mgRed Bull energy drink8.3 ounces80 mgJolt cola12 ounces72 mgMountain Dew12 ounces55 mgCoca-Cola12 ounces34 mgDiet Coke12 ounces45 mgPepsi12 ounces38 mg7-Up12 ounces0 mgBrewed coffee (drip method)5 ounces115 mg*Iced tea12 ounces70 mg*Cocoa beverage5 ounces4 mg*Chocolate milk beverage8 ounces5 mg*Dark chocolate1 ounce20 mg*Milk chocolate1 ounce6 mg*Jolt gum1 stick33 mgCold relief medication1 tablet30 mg*Vivarin1 tablet200 mgExcedrin extra strength2 tablets130 mg*denotes average amount of caffeineSanggunian: U.S. Food and Drug Administration, National Soft Drink Association, Center for Science in the Public Interest. usapan Natin340042569850001866900736600092456066040004695190139700012446010985500456247514033500Ipakita sa mga bata ang larawan ng mga produktong may caffeine.Talakayin:Anu- ano ang mga produktong makikkita sa larawan?Kailan karaniwang iniinom ang mga produktong ito?Ano ang pagkakatulad ng mga produktong ito?(Hikayatin ang mga bata upang magbahagi ng kanilang mga karanasan sa pag- inom ng mga produktong may caffeine.)Pag- aralan NatinIpabasa ang Mahalaga ang mga ‘To at ipasagot ang mga tanong tungkol sa dayalogo sa LM.Pagsikapan NatinIpagawa ang Ating Sagutin. Lagyan ng tsek ang inyong mga sagot sa LM.Pagyamanin NatinIpagawa ang Ating Alamin. Pangkatin ang mga bata sa tatlong pangkat.Ipagawa ng Kaya Natin. Ipabuo ang patlang upang makabuo ng makabuluhang pangungusap.Pagnilayan NatinIpasagot ang Sundin si Dok. Ipapuno ang patlang upang makabuo ng pangungusap sa LM.Takdang Aralin:Magsaliksik ng iba pang produkto na nagtataglay ng caffeine. Isulat sa kwaderno ang mga nakalap na impormasyon. Maaaring gumamit ng pananaliksik sa internet, pahayagan at aklat. ................
................

In order to avoid copyright disputes, this page is only a partial summary.

Google Online Preview   Download